Invading baywalk...
INVADING BAYWALK
        Pangalawang araw ko na 'to ng paggala sa maynila. Kahapon lang kasi ako nag-umpisa kasi bagut na bagot na ko sa school. Ikaw ba naman ba ang maiwang mag-isa ng 3 oras ng walang ginagawa at walang makausap, siguradong mag-iisip ka na din ng puwedeng magigng dibersyon. Kaya hayun, nag-umpisa akong lumakad sa may faura tapos palayo ng palayo hanggang makita ko na lang ang sarili ko na asa baywalk na ako at naghahanap ng puwedeng upuan. Sayang hindi ko nadala ang digi cam ng mommy ko 'di sana mag-eenjoy kayo sa mga pictures ng mga nakita ko.. Di bale next time magiging makulay na to.. mwahaha.. Ok nga ang ginawa ni Lito Atienza sa Manila bay e, biruin mo nung bata pa ako ibang-iba ang tanawin dun! Di ka pa puwedeng maglakad at umupo doon kasi puro lupa at magnanakaw ang maeengkwentro mo doon. So ayun.. naupo ako tumingin sa dagat at mga barko, nagpahangin at nagpasyang maglakad muli.. Dami kong nakita doon! May mga matatandang nanghuhuli ng isda, mga bata na nag-swimming kahit maitim ang tubig, mga kalalakihan na nakasakay sa mountain bike. Masaya na ko doon. Simple lang kasi akong tao, mahilig sa katahimikan at sa mga magagandang tanawin. Bigla kong naisip na hindi mo naman kailangang maging super yaman para maging masaya eh.. Ika nga nila lahat ng magagandang bagay na inaalok ng buhay ay libre. Mahaba-habang pag-iisip ko kaya nung bigla akong matauhan dahil nagpapaltos na ang paa ko eh asa may harison plaza na pala ako.. siyet. umiral na naman ang pagiging baliw ko.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home