Rainy days and me
RAINY DAYS AD ME
Song in WMA:Mr. Suave
      I just got home from school.. Kakapagod shet sobra. Tamad na tamad nga ako ngayong araw na ito. Paano ba naman, mahangin na malamig pa. Sa mga likas na tamad na tulad ko, paraiso ang ganitong klase ng klima dahil masarap matulog o kaya uminom ng tsaa o tsokolate at saka matulog. Sa mga romantiko at simpatikong tulad ni mr. suave, ito ay magandang panahon para makasabay mo sa ilalim ng payong at mag-HHWW ang chuva mo. Pero sa mga sawi gaya ko ulit... Maganda din ito para mag-senti at mag-whine sa iyong napaka-non-eexistent na "lavapalooza."
      Pero ako..? Kahit gusto ko ng umuwi at humilata sa bahay... Wala pa din akong magawa dahil may klase pa ako kaya nag-whine na lang ako. Nagpunta kami ng friend ko... take note.. friend hindi chuva... sa roxas boulevard. Tapang ng lola mo no? Kahit mapayid ang beauty ng lola mo sige sugod pa rin kami. Ayun sa awa ng Diyos nakarating naman kami! 'Yun nga lang feeling ko nakakain na ako ng buhanging puno ng parasitiko na asa buhangin... Leche kasi bakit pa ako nag-biology..! Di ko tuloy ma-enjoy ang "adbentyur" ko! Leche!!! Hehe. Naupo kami ng friendster ko sa may swing sa may tabi ng dagat.. Maganda ang dagat. Maalon tapos daming nag-sswiming na bata at matanda.. Kung malakas lang ang apog ko naghubad na ako at sumama na ko dun. Pero syempre may delicadesa pa ako (sa lagay ng ito di ba?) kaya napigilan ko pa ang sarili ko.
      Tapos 'yun umupo na kami doon.. Kakatawa kasi may tumigil na van puno ng babae, aba feeling summer at nag-picnic sa loob ng van! At di pa natapos doon! Nag-pabeauty ang mga bakla at nag-papicture at tumayo soon sa ma gilid na harang sa dagat! Mga lintek! Feeling naman nila mga miss universe sila at binandera pa ang mga hadhad nila doon! Sarap itulak grabe.. Umalis na kami kasi nakakasura na ang view saka may gagawin pa ako sa school e.. Hay!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home