Buhay estudyante
BUHAY ESDTUDYANTE
Nakakatawang nakakainis ang nangyari sa akin kanina habang pauwi ako. Nakakainis kasi malakas ang ulan tapos wala akong payong. Ok naman kasi nipapahiram ako ni eypreel ng payong. Kaso si juicy ezrah nakisukob... O di ba 2 kami sa maliit na payong. Pucha nakakatawa dahil mukha kaming mag-jowa. Nakahawak siya sa kamay ko at naka-akbay pa. Muahahaha...! So iyon, nakasakay naman kami ng jeep. Amp naman kasi 'yung bakaw na drayber, aba ng sabi dalawa pa daw ang wala pagsakay namin isa na lang. Siyempre si ezrah na ang umokopa ng isa. Ako? Aion... Kalhati este 1/3 ng puwet ang nakaabot sa silya. Nanakit nga ang hita ko dahil sa kakapigil. Mas nakakahiya naman ata ang mahulog ka sa sahig tapos titingin sa yo lahat ng tao. Aion ulit. Pero nakaupo naman ako ng mabuti dahil may bumababa sa may pedro gil. Hay suwerte. Ito pa isang nakakatawang nangyari. May 3 babae na nung may pinatugtog tungkol sa family planning aba bumira ng tawa. Pucha.. Kakatakot! Ito namang katabi kong boylaloo eh habang pokus na pokus sa tinetext niya eh nakikita kong kumakanta din. Lintek. Puro bangag na ata ang sakay ng dyip na yon. Ahehehe... Marami pang nangyari bago ako bumababa sa may buendia para sumakay ng bus pero bukas ko na kukuwento... Mag-aaral pa ako dahil may eksam na naman ako bukas eh. Xencia na mga fans ko! =)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home