Wednesday, July 21, 2004

Wednesday dilemma

WEDNESDAY DILEMMA

     I don't know if I'm gonna be happy cuz it's raining and I have no classes or I will be sad because cuz it's raining and I HAVE NO FRIGGIN' CLASSES... Isipin niyo na lang.. umuulan + kama = sleep and sleep = low productivity of abi.

      Senti pala ako ngayong araw na ito. Ito ang mga bagay na na-realize ko kaninang umaga habang umaambon sa labas:

1. Dumadami na ang jologs sa mundo. --> Kagabi kasi sa loob ng bus may sumabay sa commercial ng Surf. Kung ikaw ay nalulungkot... Nalulumbay.... Nabubugnot sa mga... Whatever!!! Ang lakas pa ng boses niya ah! As in! Winasak niya ang katahimikan ng bus sa pamamagitan ng isang kagimbal-gimbal na rendition ng commercial ng Surf.

2. Ang buhay ng tao ay isang siglo. --> May araw na masaya, may araw na neutral at may araw na malungkot at maraming problema. Papalit-palit lang iyon depende sa kagustuhan mo. Nasa sa iyo kung gaano magtatagal ang isang bahagi ng siglo ng buhay mo.

3. Maganda ang programang Strangebrew  ni Tado at Angel Rivero. --> Na-autistic ako kagabi at napagpasyahang manood ng Strangebrew. Sabi ko nga sa sarili ko: "Wala namang mawawala eh kung manood ako." Pucha. Halos mamatay ako sa kakatawa sa mga walang kakuwenta-kuwentang tanong at pambabara ni Tado sa mga tao sa Pag-Asa. Weirdo ang show na iyon, pero may iilang bagay ka ding matutunan. Ok na dibersyon para sa mga taong depressed at may sense of humor ang palabas na ito.

4. Di ako Diyos --> Disclosed ang dahilan kung bakit sinabi ko ito. Basta ang alam ko may hangganan din pala ako. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kakayanin kong magpaka-martyr at maging mabait.

5. Gusto ko pa ring mag-duktor --> Dahil wala ng kapupuntahan ang buhay ko, mag-aaral na lang ulit ako. Wala naman akong boypren at malamang wala ding mapapangasawa kaya uubusin ko ang oras ko sa pag-aaral ng medisina dalawang taon mula ngayon. Pero sa mga nagbabalak na manligaw sa kin.. Pucha bilisan niyo na. Ahahahaha....! <> Ahem...

6. Masuwerte ako. --> Kahit pa madami akong problema, masuwerte pa din pala ako. Meron akong mapagmahal na magulang.. Achoos! At makukulit este mababait na mga kaibigan. Ay oo nga pala. Hapi bertdey dadi! Salamat sa bag! Aheheheh...

   O xia xia... Sa susunod na araw na 'yung iba. Mag-dodrowing pa ko sa sketch pad ko. Madami pa akong gagawin eh! Paalam!

 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home