Sunday, August 29, 2004

Thanks...

Thanks...

Patty... Thanks po. Things aren't going well for me kaya ko siguro ganito. Malungkot lang ako dahil hanggang ngayon di ko matanggap na di mo talaga makukuha lahat sa buhay mo. I just hope na maging ok na in the next few days.

Anyway, mga people na nagbabasa ng blog ko... I'm planning to delete this blog na kasi medyo may mga bad memories ako dito eh. I'll be designing a new one pag dating ng cpu ko (i'm sing my bro's pc right now kasi unlimited ang net dito). Sorry talaga pero I'll let you all know kung saan ang magiging bagong blog address ko!

Yun muna... Eto na siguro ang last artik ko for this blog... Hay... Sige... :)

Saturday, August 28, 2004

Deep sigh...

DEEP SIGH...

I'm listening to Alicia Keys' song "If I Ain't Got You..."

I woke up this morning, my hair all messed up, dried saliva on the side of my lips, and I can't barely open my eyes since muta is blocking my eyes.

Typical weekend for me... I thought. I got up, arranged the bed sheets and the pillows and fixed myself. I ate breakfast and went upstairs to watch t.v.

I'm in a deep state of depression and worry right now that's why I'm so lazy to move. I'm so sad right now and people please don't ask me why cuz I don't know the reason too.

Got too many problems I guess. Suffering from a burn-out from all the stuffs din siguro. Or maybe I just miss him. Parang sa artik nung ex ng ex-blockmate ko, di ko lang maalala yung exact words.

Oh well... I'll probably go out and have coffee, read my lessons and finish my drawing book in zoology. Typical "depressed" day for me... Sighh..... Next time na lang ulit, when i'm in a good mood.

Things are not going well for me kaya madalang lang ako mag-post... Hayy.... Bye..

Sunday, August 22, 2004

news...

dami nangyari sobra! e2 ang mga recent na nangyari sa buhay koo!!

kaninang madaling araw - nasunugan ung kapitbahay namen. isa patay, ang sad kasi teener na girl ung namatay. my mum saw her body, burned to crisp. please pray for them. muntik na pala abutin ung bahay namen, esp. ung kuwarto ko, i owe my life to lord god.

friday - we won 1st runner up sa biogyugan. the seniors won, galing nman kasi nila, besides pinaghirapan talaga nila. kabadtrip si mam frisco dahil sabi ba naman... "ihanda niyo na ang sarili niyo" tama ba yun? madami magaling! ung first year nga r-18! ung 2nd year astig ang lcd presentation! syempre kami! astig!! best in costume!! wohoo!!!

un muna... ginagawa ko pa report sa bot lab e

Thursday, August 12, 2004

DAYS OF OUR LIVES

Madaming nangyari sa akin ngayong araw na to! As in....!! Kaya putol-putol kong ikukuwento sa inyo bago ako gumawa ng study questions sa Zoo 111:

Boylet sa bus - Autistic Incident number 1

Malamang karamihan ng nagbabasa ng blog ko alam 'yung nangyari dahil kinuwento ko 'to kanina. Sa mga di pa nakakaalam eto 'yung kuwento...

Medyo late na ako pumasok kanina dahil mag-checheck lang naman daw ng papel sa zoo. Mabuti at medyo maluwag ang nasakyan kong bus ('yung Erjohn na kulay berde), 'di ko pa kasabay si boylet noon ha (Umupo ako sa 3-seater kasi ayoko sa dulo ng bus umupo, baka masabugan pa ako ng bomba dun). So 'yun... Okay naman ang biyahe, pero pag dating sa Zapote, puchang dami ng sumakay as in siksikan talaga. Doon ko nakita si boylet (yak stalker). Cute siya, mga 5'7 ang height, fair skinned, semi-kal, neat at medyo chinito (don't worry baby mas cute ka sa kanya). Di ko nga din 'yun masyadong napansin kasi, heller!!?? Punuan nga ang bus! Ako kasi may tendency na mag-stare blankly into space pag maaga dahil either antok pa ako o may iniisip ako. So napatingin ako, este na-blank stare ako sa kanya. Di yung tipong dreamy stare no! Yung tipong "I'm so bangag stare." Tapos napansin kong napatingin sa kin, kakahiya kaya inalis ko tingin ko.

Makalipas ang ilang hikab, napag-desisyunan kong mag-labas ng aralin sa zoo (yucky! gawin daw bang pampalipas oras ang pag-aaral??!!) Phylum Nematoda nga ang inaaral ko eh... Tapos pagdating sa Baclaran, medyo madami 'yung bumaba kaya umusod 'yung crowd ng nakatayo sa aisle (kasama siya dun) punta dun sa likod. Aba, nasanggi ang balikat ko, as in malakas na sanggi! Di ko pa din pinansin, leche masyado akong pokus sa zoo para gumawa ng eksena sa loob ng bus.

Makalipas muli ang ilan pang hikab at kamot ng ulo, nakarating na ang bus sa buendia. Marami ang bumaba dahil karamihan ng nakasakay eh mga nag-oopisina sa makati. Pag maraming bumaba ibig sabihin madaming upuang bakante. For some reason, si boylet from la salle (I assumed na la sallita siya) ay mabilis na tumabi sa akin, kahit pa masikip ang inuupuan ko. So sige okay lang... Hinayaan ko na ulit...

Kakainis lang pala kasi habang nagbabasa ako ng hand-out ko, nakikibasa din siya! leche no? Kakairita!! Pero I still kept my cool.... Sa may bandang LRT bumaba 'yung katabi niya, kaya dalawa na lang kami sa upuan. Shet.... Pero di pa din ako nagpadala sa aking emosyon! Sheeeeeeettttt!!!! Tutok pa din ako sa pagbasa. Nung asa may San Isidro na kami, napagdeisisyunan na niyang magbayad. Nilabas muli ang 500 sa pitaka, sabay lingon sa akin at sinabing: "Ala kasi akong maibayad eh..." Garapal!! As in! I grabbed the opportunity and took another seat in front. Feel na feel ko na nga siyang bigyan ng isang malufet kong "Do-I-know-you make face" Ahaha!!

Pagdating sa La Salle, bumaba siya, hinanap ang cute kong mukha at tiningnan ako for the last time. Taray no? Buwisit siya! Ahehehe!!

Nag-kiss and make-up na kami ni April

Maayos na ulit kami ni April! Binigyan ko siya ng card na may sorry note sa loob. Buti na lang di siya masyadong badtrip, kung hindi as in mamumrublema ako. Aion, la lang!! Ay oo nga pala, di pala kami ng kiss baka isipin niyong ako ang superfriend ni April. mali po kayo ng akala.

Ale sa sinehan: Autistic incident no. 2

Nanood kami nina: Abi Cis, Rovi, Jessa, Marvin, April, Kat at Arf ng sine. "The Village" by M. Shymalan. Sa aking opinyon, maganda siya dahil hindi sobrang predictable ang twists ng story. Mapapaisip ka at mamangha sa mga katotohanang ni-reveal sa bawat pagkatao ng mga people doon. I recommend the film!! La lang... Ayun, bago pala kami pumasok sa movie house, nag-dancing chuva ako dahil nahawa ako kina Pat Sy, Pat Sumayao at Alex ng kanilang "ugzk, ugzk dance" Pagkatapos kong gawin 'yon, may kumausap sa king lady, mga 60ish siguro ang age niya. Biglang sinabi sa akin na panoorin ko day ang "Sylvia" dahil maganda daw ito, highly dramatic, at poignant. O di ba!? Sinabi din niya na "you younger people should watch this film!" oooohkkkayy..... Naging polite naman ako at may i answer adequately ako sa kanya, at take note, sinabi kong "i'll try to see that movie, thanks for giving me an idea." ganoon ba ako ka-approachable para ganunin? Hayy life!

So iyon ang mga highlights ng buhay for to-day!!!! Mga pagbati ulit!

April - O ikaw na ang nasa top 1 list ng binabati ko ha? Peace tayo!! mga-10 am na ako papasok tom kasi tinatamad ako! Hehe!! Ingatan mo 'yung card na binigay ko ha?!

Princess - Ayan, 2nd ka na sa greetings list ko... La lang!! Puwede bang donut na lang ang screen name mo? :)

Prince - Ooyyyyy magkasunod sila ni princess niya!!! balbon! sira ka talaga! munchkin na lang screen name mo ha? :)

Rovi aka Rovster - 1st time kitang mabati!!! :) yiheee!! Thanks for dropping by! Pero may papagawa ako sa 'yo tom.... Sayaw ka ng "Di ako bakla" Yiheee!! :)

Justin - Ayan baby, binati din kita... wag ka pong selos kay boylet sa bus, siya po ang flirt, di ako. di nga ako marunong nun eh!! hihihi... sorry pala di kita natetext! putol line ko... wahhhh!! mwah! love u! echusss!!! :)

Patty aka Trish - Heyow! Thanks for dropping by lagi sa blog! Basa ka lagi dahil may mapupulot kang aral? Meron ba? Ahehehe.... Laff trip! Newei, Trish na lang tawag ko sa 'yo! Link pala kita k lang? :)

Maine - Aba bakla, wag ka ngang ma-sadness diyan... Andito kami ni April para maging pansamantalang "taga-bigay-aliw" sa 'yo. We offer our "escorting services" for a low price. Ahehehehe

Boylet sa bus - Punyemas kang lalaki ka... La lang. Para namang alam mo tong blog na ito eh! Awoosh! Aminin mo na sa susunod na 'you just can't simply resist my charm....' amp! hehe

Yun muna. Sa mga di ko pa nabati. Ay si Kat pala! Oi! Nood tayo Bangkok Haunted 2, kasama si Abi, si April, si Jessa, si Arf! Sige po?! hehe



Monday, August 09, 2004

When forever is not enough

WHEN FOREVER IS NOT ENOUGH

Sabi ng karamihang tao: "nothing lasts forever..." feeling ko nagkatotoo na to sa akin.

Pag-uwi ko kanina galing school ang sama-sama ng loob ko. Ang dahilan? Mag-isa na ako ngayon. Sa isang iglap biglang nawala ng taong dati kong kasama. Si Jeff malayo na sa kin. Si April may kasama na lagi, di ko na din siya nakakasama sa mga long breaks namin. Si Lee-ann naman di ko na inaasahan dahil iba na ang schedule niya sa kin. Si Ezrah, laging busy sa pag-aaral, laging galit, at laging wala sa sarili. Di ako nagddrama dahil alam ko namang di bagay sa katauhan ko ang maging ganito eh. Isa pa, wala naman akong karapatan para mag-demand ng oras sa mga tao, na pansinin ako o samahan ako dahil matanda na ako, di na ako bata para laging alalayan at samahan. Siguro malungkot lang ako dahil nasanay ako ng laging may kasama nitong kolehiyo na ako. Medyo unfair lang dahil biglaan 'tong nangyari sa akin, di man lang gradually o unti-unting nawala. Pero at least nangyari na to, para maranasan ko naman ang maging mag-isa at huwag dumepende sa mga tao. Di ko naman sinabing kakalimutan ko na sila, siguro kailangan ko ng mag-mature at tanggapin ang katotohanang hindi sa lahat ng pagkakataon ay laging mayroon akong makakasama at masasandalan kapag nangangailangan ako.
Seryoso ako sa mga sinabi ko. Minsan lang to mangyari. Masama lang siguro ang loob ko.
Mga pagbati galing kay abi:
Prince - Ayan binati na kita ha? Hehe... Aba tinatanong pala ni maine sino ang prinsesa ng prinsipe ng block 3! ahehehe.... =)
Jretard - Ilang linggo na lang pala at aalis ka na... Labis ang aking pagkalungkot dahil muli mo na akong lilisan. Subali't hindi kita pipigilan dahil iyan ay iyong kagustuhan. Wag mo po sana akong kakalimutan pag dating mo doon, parang 'yung komersyal ni Piolo sa Max. Alam mo kung ano ang nararamdaman ko para sa iyo. Lagi mo 'yung tatandaan. Hihintayin kita. =)
Christine C. - Isa ka pa. Aalis ka na rin.. Pero ito naman ang tandaan mo: Kapag nakakita ka ng babaeng may tissue sa ilong sa states, malamang ako iyon dahil walang abiru sa states! Mag-ingat ka lagi doon, at wag mong kalilimutang may mga kaibigan ka rito sa Pilipinas, di ka namin makakalimutan. =)
Brahman - Naiiyak ako dahil isa ka pa. Iiwan niyo na ako. Brammie, sana wag kang magpapatawag ng brammie sa states dahil kami lang (tanging block 3 lang) ang may karapatang tumawag sa iyo ng pangalang iyan. Mamimiss kita ng sobra dahil mababawasan na naman ang mga baliw sa block. Sana lang, mag-ingat ka dun at wag kang tatanga-tanga pagdating mo dun ha ineng? =)

Sunday, August 08, 2004

Things that make me happy

Things that make/made me happy (in random order) - Inspried by trish!

1. Baby ko
2. Family ko
3. block three
4. high grades
5. corny jokes
6. when i passed up
7. when i graduated with honors
8. a big bag of cheezy
9. si baby ulit
10. new na gamit

Weirdo...

Weirdo

Meron pa lang nag-message sa friendster ko. Ang sabi: "astig u.. add me up " ohkay... weirdo...!! ahihihi... baliw siguro pede pa ahihihi... at galing pa ito sa isang taong nag-aaral ng visual communication student. asteegg!! anyways... balik na lang ulit ako tom! babayu

Saturday, August 07, 2004

Yeyyyyyyy!!

Yehey

Finally nakapagpost din!!! 7 days na ata akong nag-aatempt!! Muntik na kong lumipat ng ibang blog server! Dami na ding nangyari sa buhay ko... May aalis, at may dumating.... Yihee!! Kung di lang ako nag-aaral ng botany sobrang saya ko na ngayon!! Yehey! Mga pagbati ulit:
Jretard - Baby! Sana ur my forever din...! :) love u.. :)
Prince - Huli ka balbon! Congrats ulit! At least u found ur princess! Nax.. I wish all the best!
Jeff - Don't worry ur soulmate will find you somehow..! Make urself visible! At oo nga pala.. Mega-over galit sa yo si april!

Sunday, August 01, 2004

No Subject

No Subject

Disclaimer: Kay *toot* kung binabasa mo 'to, wag sana tayong mag-away dahil dito, naalala ko lang po 'yung mga nangyari at hindi po ako galit sa iyo, mahal kita alam mo 'yun.

Naguguluhan ako *toot* kung bakit nagseselos ako. Yun ang iniisip ko kanina pa eh. Naguguluhan lang siguro ako. hay... drifting away na naman ako sa flow of thoughts. kung binabasa mo to, wag kang magalit sa kin. mas minarapat kong isulat dito dahil ayaw kong mag-away tayo, alam mo na, umatake na naman ang kasiraan ng ulo ko. (kaya nga ang title ng blog na ito ay "paglalakbay ng isang baliw")
Mawawala din to promise! bilog lang siguro ang buwan. ahehehe.. =) pish awt mga pare ko!! \m/
Si abi ay disappointed dahil hindi siya nakapanood ng muziklaban sa libis.
Si abi ay katatapos lang mag-install ng XP at opis sa pc niya.
Si abi ay bangag dahil sa kaiisip ng mga problema.
Si abi ay may bagong tsinelas na itim.
Si abi ay maganda at cute.
Si abi ay inlab kay J.
Si abi ay GC.
Si abi ay
Si abi.