When forever is not enough
WHEN FOREVER IS NOT ENOUGH
Sabi ng karamihang tao: "nothing lasts forever..." feeling ko nagkatotoo na to sa akin.
Pag-uwi ko kanina galing school ang sama-sama ng loob ko. Ang dahilan? Mag-isa na ako ngayon. Sa isang iglap biglang nawala ng taong dati kong kasama. Si Jeff malayo na sa kin. Si April may kasama na lagi, di ko na din siya nakakasama sa mga long breaks namin. Si Lee-ann naman di ko na inaasahan dahil iba na ang schedule niya sa kin. Si Ezrah, laging busy sa pag-aaral, laging galit, at laging wala sa sarili. Di ako nagddrama dahil alam ko namang di bagay sa katauhan ko ang maging ganito eh. Isa pa, wala naman akong karapatan para mag-demand ng oras sa mga tao, na pansinin ako o samahan ako dahil matanda na ako, di na ako bata para laging alalayan at samahan. Siguro malungkot lang ako dahil nasanay ako ng laging may kasama nitong kolehiyo na ako. Medyo unfair lang dahil biglaan 'tong nangyari sa akin, di man lang gradually o unti-unting nawala. Pero at least nangyari na to, para maranasan ko naman ang maging mag-isa at huwag dumepende sa mga tao. Di ko naman sinabing kakalimutan ko na sila, siguro kailangan ko ng mag-mature at tanggapin ang katotohanang hindi sa lahat ng pagkakataon ay laging mayroon akong makakasama at masasandalan kapag nangangailangan ako.
Seryoso ako sa mga sinabi ko. Minsan lang to mangyari. Masama lang siguro ang loob ko.
Mga pagbati galing kay abi:
Prince - Ayan binati na kita ha? Hehe... Aba tinatanong pala ni maine sino ang prinsesa ng prinsipe ng block 3! ahehehe.... =)
Jretard - Ilang linggo na lang pala at aalis ka na... Labis ang aking pagkalungkot dahil muli mo na akong lilisan. Subali't hindi kita pipigilan dahil iyan ay iyong kagustuhan. Wag mo po sana akong kakalimutan pag dating mo doon, parang 'yung komersyal ni Piolo sa Max. Alam mo kung ano ang nararamdaman ko para sa iyo. Lagi mo 'yung tatandaan. Hihintayin kita. =)
Christine C. - Isa ka pa. Aalis ka na rin.. Pero ito naman ang tandaan mo: Kapag nakakita ka ng babaeng may tissue sa ilong sa states, malamang ako iyon dahil walang abiru sa states! Mag-ingat ka lagi doon, at wag mong kalilimutang may mga kaibigan ka rito sa Pilipinas, di ka namin makakalimutan. =)
Brahman - Naiiyak ako dahil isa ka pa. Iiwan niyo na ako. Brammie, sana wag kang magpapatawag ng brammie sa states dahil kami lang (tanging block 3 lang) ang may karapatang tumawag sa iyo ng pangalang iyan. Mamimiss kita ng sobra dahil mababawasan na naman ang mga baliw sa block. Sana lang, mag-ingat ka dun at wag kang tatanga-tanga pagdating mo dun ha ineng? =)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home