Sunday, May 30, 2004

When I Need You...

WHEN I NEED YOU

        Kaninang umaga sobrang lungkot ko talaga kasi hindi siya nag-text sa akin. Ilang beses ko ngang tiningnan 'yung fone ko sa buong magdamag para alamin kung mayroon na siyang message sa akin. Siguro kung puwedeng magsalita 'yung cellphone ko sinabihan na ko nun na tigilan ko na ang kati-titig sa kanya dahil iilaw o tutunog naman siya kung mayroon akong message. First time kong magkaganito. Ang sobrang mangailangan ng isang tao. Lumaki kasi ako ng mag-isa lang pero buhay pareho ang magulang ko at sobrang dami ng tiyahin ko. Hindi lang kasi ako sinanay na magakroon ng kasama eh. Nung grade school pa lang kasi ako madalas ako lang ang naiiwan sa bahay dahil ang tatay ko nasa abroad, ang kuya ko asa eskwelahan ang nanay ko naman asa opisina at ang mga tiyahin ko malamang asa bahay nila, asa trabaho o asa probinsya. Hindi rin ako masyadong pala-kaibigan dahil tahimik akong bata noon. Kaya nasanay ako na tumayo sa sarili kong paa. Kahit naman ngayong asa kolehiyo na ako mag-isa pa rin ako. Puwede nga akong kumaing mag-isa, gumala ng mag-isa at mag-aral mag-isa. Pero nag-iba 'yun nung nakilala ko siya.

        Hindi ko nga rin siya masyadong pinapansin noon kasi ayoko ng naiistorbo ako. Sa totoo lang magkaibang-magkaiba kami sa maraming bagay. Hindi ako mahilig makipag-socialize eh, mas gusto ko ang nasa bahay at nagababasa keysa lumabas at magpunta kung saan-saan. Siya? Halos araw-araw laging wala, asa "lakwatsahan," pero kung minsan ay maabutan mo rin naman sa bahay na tulog. Marami pang aspekto kami nagkakaiba... Sa paraan ng pamumuhay, sa itsura at sa ugali. Pero ewan ko ba... Sadya siguro kaming pinagtagpo. Nainip na siguro ang Diyos kaya pinaglaruan kami. Matagal na kaming magkakilala. Limang taon na ata. Oo tama limang taon na. Madami na rin kaming pinagdaanan muntik na ngang mawala ang magandang samahan namin. Pero ok lang sa akin na magkaroon siya ng girl friend dahil ako din naman ay mayroon ding "ka-relasyon" noon. Ngayon nga lang talaga na-ungkat ang tinatago-tago kong feelings para sa kanya. Nakakahiya nga eh kasi ngayon ko lang naamin sa kanya. Naging ok naman kami pero ala pa rin kaming relasyon hanggang ngayon. Ika nga ng mga classmates ko eh mag-MU pa lang kami. Minsan tinanong na niya ko kung kelan daw ba kami puwedeng maging "kami." Di ko siya nasagot nun kasi di ko alam ang sasabihin ko.

        Pero ngayon siguro alam ko na kung ano 'tong nangyayari sa akin. Kailangan ko siya sa buhay ko. 'Di dahil kailangan ko ng isang ka-"on" o isang tao na maipagmamalaki ko pero naging malaking bahagi na siya ng buhay ko. Masasabing mahal ko na siya dahil sa mga nagawa niya para sa akin. Malaki ang pinagbago ko ngayon. Natuto akong magpakumbaba at tumanggap ng mga pagkakamali ko. Pero ang higit dun sa kanya ko natutuhan kung paano magmahal ng hindi ang sarili ang iniisip. Hindi ako natatakot na mapunta siya sa iba dahil naisip kong sapat na ang ipinakita niya sa aking kaligayahan. Hindi man kami ang magkatuluyan pero nagpapasalamat na rin ako dahil may isang katulad niya na minsang dumating sa buhay ko.

############################################

WHEN I NEED YOU by LEO SAYER

when I need you
I just close my eyes and I'm with you
and all that I so want to give you
It's only a heartbeat away

when I need love
I hold out my hands and I touch love
I never knew there was so much love
keeping me warm night and day

miles and miles of empty space in between us
the telephone can't take the place of your smile
but you know I won't be travelin' forever
it's cold out, but hold out, and do like I do
when I need you
I just close my eyes and I'm with you
and all that I so wanna give you babe
it's only a heartbeat away

it's not easy when the road is your driver
honey that's a heavy load that we bear
but you know I won't be traveling a lifetime
it's cold out but hold out and do like I do
oh, I need you

when I need love
I hold out my hands and I touch love
I never knew there was so much love
keeping me warm night and day

when I need you
I just close my eyes
and you're right here by my side
keeping me warm night and day

I just hold out my hands
I just hold out my hand
and I'm with you darlin'
yes, I'm with you darlin'
all I wanna give you
it's only a heartbeat away
oh I need you darling

Thursday, May 27, 2004

That's so Psychic!

THAT'S SO PSYCHIC

What are the odds of riding the bus twice in one day?
What are the odds of receiving 3 phone calls from people you least expect to call?
What are the odds of having an intuition that came true?


THIS BLOG IS RATED R-18 DUE TO HARSH WORDS

        2 days ago I went to school to submit my "crammed" project in socsci 2. Ang suwerte ko nga kasi "jercon" ang nasakyan kong bus.. Bagong labas kasi ng Tas Transit 'yon e. Kaso... Sobrang "dyahe" kasi!!! Nung bababa na ko sa may padre faura biglang tumigil ang bus! Pucha!! Muntik na kong gumulong sa loob ng bus! Kakahiya pa kasi may cute ako nakasakay!!! Pucha as in! Noong pagbaba ko nga nakatawa sa kin ung kundoktor eh.... The nerve nung lalaking yoonnnnn!!!!! So pagkatapos ng lecheng pangyayaring iyon naisubmit ko naman ng maayos ang project ko. Nagpunta ako sa "rob" tapos naglakad ako sa kalye (syempre) papuntang taft. Iniisip ko nun na makikita ko si "ms. tarungggguuyy" kapag sumilip ako sa loob ng CAS. At nakita ko nga siya.. "Leche" tinawanan pa ako ng "gaga" nung sinabi ko na inisip kong makikita ko siya. So 'yon.

        Naghihintay na ko ng bus sa tapat ng NBI tapos sabi ko sa sarili ko na ang unang-una bus na makikita ko eh sasakyan ko (Sa himig ng sasakyan kita)... Leche.. Alam mo na kung ano ang dumating. Yung tas transit na sinakyan ko nung papunta ko ng skul........!!!!!!!! Siyempre ang init sa labas kaya sumakay na din ako. Aba 'yung kundoktor nakangisi sa kin at 'yung drayber... Tiningnan ako. Shet. Nakakahiya na sobra!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Malas talaga oh...

        So nakauwi din ako kahit papaano... Natulog ako pagdating ko tapos may di inaasahang tawag ang sumalubong sa 'kin. Si Carla, classmate ko nung highschool.. Tagal ko na ngang di 'yon nakakausap eh. Shet. So 'yon, "chismisan" to da max kami. Binigay ko sa kanya 'yung cel # ko para sabihin nia sa kin kung kelan namin kunin ung yearbuk nia. Shet ulet. Pangalawang tawag si Len, kapatid ng ex ko. E2 ang panimula sa usapan namin:

Ring!!!!
Abi: "Hello gud ibning [Hikab]"
Len: "Puwede po ba kay abi?"
Abi: "Sino 'to?"
Len: "Si Len po."
Abi: "Oi Len! [Huhhhh?? Sino to?] Musta na? [kamot ng ulo]"
Len: "Kilala mo ba ko?"
Abi: "Hindi nga eh sori. [Nginig]"
Len: "Si Len 'to kapatid ni Jerwin."

Shet. Ayun usap din kami.. "Sismisan" na naman kami... Tapos ang loka gustong makipagmeet sa kin.. Tama ba 'yun???? So ako naman si OO queen, umoo nga. Gaga ko talaga. So ang akala ko tapos na tapos pagkababa ko ng phone tumawag naman si toot...! ang dakilang "gago" kong ex. Kapal gooms nga to e. Pagkatapos akong iwan tatawag-tawag ulit di2 at ang lecheng to aba't gustong pumunta di2!!! Hayoooopppp! Natapos ang dapat ay magandang araw ko noon.

                                          THE END

Sunday, May 23, 2004

Gay Love and Nostalgia

GAY LOVE AND NOSTALGIA

        Two days ago, me and my brother watched a wrestling match on cable television. Sure it was a good idea since there was nothing on that dumb boob tube and at the same time it reminded me of the good 'ol days. I WAS a wrestling fanatic when I was still a young girl. I could still remember the time when my uncle (he already passed away) used to give me 10 cents if I told him all the "aliases" of famous WWF wrestlers that I know. Haha.. Ultimate Warrior was my favorite wrestler during that time. Oh... And I can never forget my grandmother who used to watch wrestling with us. She was shouting and cheering in the top of her lungs. I mean it's not common for old people to watch this kind of stuff on t.v. Normally they watch silly "novelas" or corny "sitcoms" or some don't watch t.v. at all.

        So much for being nostalgic, Let me tell you what happened during the match. One of the wrestler was gay. I dunno if he's just pretending to be one just for the sake of winning or entertaining people or he was really one. Nonetheless, during the match he was touching his opponent's ass and he, take note of this, FRENCH kissed his opponent. Naturally, most people reacted with this sight. They shouted, screamed and laughed after the "horrifying" incident. Well, the "gay" wrestler won for the reason that either his opponent was too disgusted with what the other wrestler did to him or he was so damn "freaked-out" with what happened.

        I was dumbfounded after the match. I mean i'm not a homophobe. As a matter of fact I have friends who are gay and some are bisexual. But... This is too much for me. Like the other wrestler, I also "freaked" out with what he did. This was my frist time to watch this. But when the other wrestler was calling the "gay" one a "freak," something suddenly hit me.

        Though I am not in favor of same sex marriage (I still respect the sacred grounds of marriage; but I am in favor of same sex "relationship". I believe that everyone should be entitled to the right of loving someone whom they want.)I certainly do not agree calling "gays" "freaks." I mean it's too much "torture" and "abuse" on their part. What I'm trying to say is that God created us equal. Men, women, gays and lesbians. I'm quoting this from a movie I watched (I just forgot the title): "The difference between us and "gay" people is that they love differently from us. But that doesn't make them bad persons." Maybe some people think that "gays" are bad because they tend to generalize or "brand" their group. I admit I was one of those people. I think that way because I can only see the "bad" side of being gay. I never thought about what I just said earlier. I hate myself for being such a "close-minded" jerk. Not all gays are bad. Maybe we should be the ones called "freaks" becuase of the wrong accusations we did. As my good friend Amiel told me: "Hindi naman lahat ng bakla eh masama. 'Yung mga masamang bading ang sumisira sa pangalan ng mga "gay"

        It's not easy for this society to accept them. It will take a lot of struggles for them to be a part of this system. All we can do is to little by little, try to understand and respect them as we do to "straight" people.

Saturday, May 22, 2004

I'm busyyyyyy!!!

I'M BUSSYYYYYY!!!!
        I'm very busy with school work this past few days so I'm really sorry for not updating my blog. I promise that as soon as I finish my research in socsci this blog will be flooded with accounts of my daily life as described in the header of this web blog. =) Till then.. Astalavista bebeh!!

Friday, May 21, 2004

Muvie Review of "The eye 2"

MUVIE REVIEW OF "THE EYE 2"

Plot: (Downloaded from: http://www.putera.net/movies/eye2.shtml)

THE EYE 2

Language : Cantonese
Classification : 18SG
Genre : Horror
Duration : 1h 40m
Release date : 1 April 2004
Distributed by : United International Pictures
Director : Pang Brothers
Starring : Shu Qi, Jesdaporn Pholdee, Eugenia Yuan, Philip Kwok, Rayson Tan


      Suffering from depression, Joey (Shu Qi) takes an overdose of sleeping pills, and has a close brush with death, even having visions of dead people accompanying her during her darkest moments. But now that she is blessed with a second chance, she vows never to return to self-destruction again, or to Sam - her romantic interest. However, when Joey finds out she is pregnant with Sam's child, she has no choice but to try to contact him, to no avail. Deeply troubled by the thought of having an abortion, Joey becomes delusional and emotionally unstable. To make matters worse, ever since her near-death experience, she is able to see dead people�


Review:

      Nobody in the movie house screamed while watching the film. I guess it's because most of the people anticipated the "scary" scenes or they just developed an immunity for Asian horror. I admit that I expected too much from the film. The movie trailer I watched in the television was very tempting so I decided to watch it just have a good scare.

      Most of the scenes were a cliche of the past movies like "The Ring," and "The Grudge." The scenes were a bit predictable but nonetheless, the plot was good and I guess original because it was based on Buddhist belief on reincarnation. However, if you're not used to watching films with subtitles then this movie is not for you.

Blogger's Notes: If you're a pregnant woman then don't watch this film. Oh and one thing... Bakit ang mga title ng mga Asian horror films karamihan may "The"? Mas nakakatakot ba pag may "the?"

Sunday, May 16, 2004

Potty-trained or a sleepwalker?

POTTY-TRAINED OR A SLEEPWALKER?

kinda remind me of myself every morning

LSS: A little Bit

LSS: A LITTLE BIT

A Little Bit

MYMP

I was kinda hesitant to tell you
Should've let you know
I was never really like this before
Need I say more

Or maybe I'm confused
When you are near me
I dont know what to do or I should be

There's only one thing in my mind
That's you and me

i'm a little bit of crazy
i'm a little bit of a fool
i'm a little bit of lonely
i'm a little bit of all
oh I need a cure
just a little bit of you
and I will fall

I'm always on the run to see you
If you'll allow me to
It wasn't my intention to hurt you
This feeling is true

Or maybe i'm confused
When you are near me
I dont what know to do or I should be

There's only one thing in my mind
That's you and me

i'm a little bit of crazy
i'm a little bit of a fool
i'm a little bit of lonely
i'm a little bit of all
oh I need a cure
just a little bit of you
and I will fall


Nice song... Soulful and full attitude for an OPM song.
Abi: Senti Mode!!!!

Saturday, May 15, 2004

"Road to Southmall"

"ROAD TO SOUTHMALL

3:47 am

Woke up cuz my mum got off the bed.
Punyetang inaantok pa ko noon kasi sobrang aga pa
She said she'll be going to batangas...
Hay mawawala na naman ang mga importanteng tao ng dalawang araw
I fell asleep again after she turned the lights off again.
zzzZZZ

6:00 am

Woke up again cuz my aunt wants me to go with her in the wet market.
Cool... I love the scent of fresh fish and the sight of dead carcasses in the mornin'
Went to the bakeshop and bought bread
Alangan namang bumili ako doon ng damit 'di ba?
After I ate, I washed my face and combed my hair
You'll never know who you'll gonna meet along the way

7:00 am

Got home from the palengke
With all the heavy bags in my hand... Go super Abi!
Went upstairs and watched t.v. (CSI)
Story is about a dwarf who got murdered by his future father-in-law
Rachel texted me annd I got up from the couch
On d way n k jan Abi. nong strit nga lit kau?

11:00 am

Rachel came.
Good thing I took a bath already
We did our report in biochemistry till 4 pm...
The things I do for a good grade
We ate, laughed, and sang during those 5 gruelling hours
Why do you think this blog is entitled "paglalakbay ng isang baliw?"
Well we finished the project...
Thank God.. If we didn't I will be stuck in schizo mode forever.

4:15 pm

Waiting for a jeep headed to southmall to arrive
Haay... Kakatamad...
I boarded the jeep and paid 5 pesos to the mamang driver
Buti na lang konti ang sakay
Two couples are on board with me... Sweet-sweet mode sila
Abi: Bitterrrrrrr mode!!!!
One family boarded the jeep
Mother: Malnourished; Father: Semi-malnourished; The kids: Innocent and malnourished
I slept the fraction of my so-called "journey"
I guess i'm still sleepy or I'm just avoiding the sweet-sweet mode of the 2 couple

5:00 pm

Head home from southmall
Another day is through.. But watch out for other adventures of.... SUPER ABI!!

Invading baywalk...

INVADING BAYWALK

        Pangalawang araw ko na 'to ng paggala sa maynila. Kahapon lang kasi ako nag-umpisa kasi bagut na bagot na ko sa school. Ikaw ba naman ba ang maiwang mag-isa ng 3 oras ng walang ginagawa at walang makausap, siguradong mag-iisip ka na din ng puwedeng magigng dibersyon. Kaya hayun, nag-umpisa akong lumakad sa may faura tapos palayo ng palayo hanggang makita ko na lang ang sarili ko na asa baywalk na ako at naghahanap ng puwedeng upuan. Sayang hindi ko nadala ang digi cam ng mommy ko 'di sana mag-eenjoy kayo sa mga pictures ng mga nakita ko.. Di bale next time magiging makulay na to.. mwahaha.. Ok nga ang ginawa ni Lito Atienza sa Manila bay e, biruin mo nung bata pa ako ibang-iba ang tanawin dun! Di ka pa puwedeng maglakad at umupo doon kasi puro lupa at magnanakaw ang maeengkwentro mo doon. So ayun.. naupo ako tumingin sa dagat at mga barko, nagpahangin at nagpasyang maglakad muli.. Dami kong nakita doon! May mga matatandang nanghuhuli ng isda, mga bata na nag-swimming kahit maitim ang tubig, mga kalalakihan na nakasakay sa mountain bike. Masaya na ko doon. Simple lang kasi akong tao, mahilig sa katahimikan at sa mga magagandang tanawin. Bigla kong naisip na hindi mo naman kailangang maging super yaman para maging masaya eh.. Ika nga nila lahat ng magagandang bagay na inaalok ng buhay ay libre. Mahaba-habang pag-iisip ko kaya nung bigla akong matauhan dahil nagpapaltos na ang paa ko eh asa may harison plaza na pala ako.. siyet. umiral na naman ang pagiging baliw ko.