Bakit kita mahal?
Bakit kita mahal?
Sa saliw ng kantang The Reason by Hoobastank
Kanina tinanong mo ko kung mahal ba talaga kita at kung bakit kita mahal. Di kita nabigyan ng isang makabagbag-damdaming sagot dahil kasalukuyang kumakanta pa ako (nag-feeling singer ako kaya pasensya na). Ano ba sinabi ko? Something like this ata... "Y do I love -ur name-? Hmm.. Ur every girl's desire and even though I saw ur imperfections the happy/kilig feeling in my heart never stops... :)" Jologs ko grabe. Pero ang reply mo: "Ur so sweet! I love u too! Mwah!" U know what? Di pa yun ang lahat ng dapat kong sabihin! (Interrupted.. May pusang pumasok sa gate) Sa limang taon na magkakilala tayo, nanahimik ako at nagmahal ng iba, baka sakaling mawala ang damdamin ko para sa iyo. Aaminin kong minsang nakalimutan kita dahil may mga taong nagpatibok din ng puso ko *sigh* (Asus!)
Pero bakit nga ba kita mahal? Dahil ba artistahin ang dating mo? Dahil ba puwede mong sundin ang lahat ng luho ko sa buhay dahil mayaman ka? O dahil ba sa lambot ng katawan mo at kaya mong gayahin ang bawat indak ng katawan ni Usher? Ipokrita ako pag sinabi kong hindi ito mga dahilan kung bakit kita mahal (actually sinasamba kita - ahahaha!) Pero di lang pala ito ang sukatan ng pagmamahal ko sa iyo. Mabait ka kasi, kahit pa minsan bigla ka na lang magiging disturbed at aawayin mo ko (aaminin ko inaaway din kita lagi ahehehe!). Lagi kang andiyan, lagi kang nakikinig sa mga kuwento ko kahit corny at jologs. Tatawa ka pag nag-joke joke joke ako... hehe.. Pati nga ata ka-bakyaan ko sa lahat ng bagay sumasakay ka! Maalalahanin ka pa at gentleman... Leche ka nga eh. Lahat na ata ng trip ko sa isang lalaki asa 'yo na. Tangna pati imperfections mo tanggap ko na.
Obsession ba ito o true love? Anak ng tokwang nilagay sa pasibol na munggo! Maghihintay na lang ako... Di naman ako selfish eh. Kahit malaman kong may bagong babae sa buhay mo ok lang. Sapat na ang makakilala ako ng tulad mo... Ang maging kaibigan ka at maramdaman ko ang kiligin at mahulog sa patibong ng pag-ibig.
Sa nag-babasa ni2 pagpasensyahan niyo na ko. Sobrang repressed na talaga ang love life ko. Over due na masyado kayo dito ko na nilalabas ang sama ng loob ko... Waaahhhh! Disturbed ako!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home