Tuesday, July 27, 2004

Count thy blessings!

Count thy BLESSINGS!  

   Papauwi ako sa bahay kanina naisip ko na masuwerte pala ako dahil may mga kaibigan ako. Mapalad pa pala ako kahit paano... Tanga ko para mamrublema sa mga bagay-bagay araw-araw samantalang nasa akin naman pala ang halos lahat na puwedeng hingin. Ang ss ay ang mga karaniwang pinuprublema ko.

   Unang bagay: Pera. Di naman kami mahirap at di pa ako nagtatrabaho, umaasa sa magulang at nag-aaral pa lang. Ewan ko ba kung bakit lagi akong problemado sa bagay na ito. Tipid ako ke tipid ng baon ko samantalang wala naman akong malaking bagay na pinaglalaanan kundi ang pambayad sa celfone ko na di naman umaabot ng isang libo. Mabukod dun... Ala na! Sagot na ng magulang ko ang damit, pagkain, pang-sine... ultimong pang-xerox at pambili ng libro bigay na nila.

   Pangalawang bagay: Akads. Pucha... Alam mo kung ano problema ko? Noong nagsabog ang Diyos ng katamaran sinalo ko na ang 1/3! Uyy grabe di naman lahat... Bakit kaya ako nag-aaral sa isang *ahem* magandang school kundi ako... *ahem* sobrang tamad?! Ewan ko. Dapat di din to pinoproblema eh. Kung maayos ang istilo ko sa pag-aayos ng oras ko, di ito magiging problema! Pucha ng kumontra papatayin ko bukas! Ahehehe

   Pangatlong bagay: Pagmamahal. No need to elaborate. Please see previous artik. (Medyo problema din pala to kasi si *toot* ay aalis na isang buwan mula ngayon) Pero andyan naman sina Jeff  at April(anak ng syoklang tibo! bastusan!) ang mga dakilang super solid classmates/friends ko... Puwede na siguro silang maging pseudo-bf/gf ko! (shet... di pa ako desperado.)

  Pang-apat na bagay: Atensyon. Sobra na nga eh. Sa school: Andiyan ang block 3 lalo na si Marvin (Oi nabanggit kita ulit!!). Pag kasama sila, masasabi mo talagang: Pucha... Di ka puwedeng maging autistic pag kasama mo sila (puwera na lang kung bata ka pa lang e autistic ka na). Sa bahay: Andiyan ang mommy ko, at mga tiyahin, sige isama na ang kuya ko. Kinakausap naman din nila ako... Wahahaha!

   Pang-limang bagay: Social life. Sobra na to. Tuwing Tuesday at Friday lagi akong asa Robinson's. Tuwing Sabado o Linggo asa Festival, ATC o SM. Kung pinalad at walang gagawin sa Thursday asa bahay ako tuwing Wednesday at nanonood ng T.V. Pag mas pinalad pa ako, kasama pa ako sa lakad ng block 3. =)

   Iilan lang to sa totoo lang. Pero sabi nga nung title ng artik ko, Count thy blessings... Dapat nga masayahin akong tao eh. Dapat di na nagrereklamo sa Diyos. Ako nga medyo buo ang pagkatao ko, 'yung iba nga kulang di ba? =) Nyt peeps.. babu!      

   
      

0 Comments:

Post a Comment

<< Home