Saturday, July 31, 2004

Heya!

Heya!
Heya! I juz got home from the mall! Dropped by to say the following things: Anonymous: Pucha marvin alam kong ikaw yan!!! Tangna!!!!!! Maganda talaga ako!! Hahahaha!!! Trish aka Patty: Yup! Block 3 po ako! Obvious na ngarag ako lagi eh no? Hehe... Buddy ko po si Ysa! =) Prince aka Marvin: Anak ng! Marvin! Nood tayo Liberated sa SM! Hahahaha!! April: Dude, wag mo ng bayaran 'yung netcard.. Alam kong ang tanging makakapagpasaya sa yo ay ang mabasa ang blog ni..... ahehehe! Ingat sa pagddrive ha?!! Jeff: Dude.. Masama loob ko sa yo kasi... Iniiwan mo na ko lagi! =( Di mo na ko mahal... On second thought.. ok na pala.. Hahaha!!!!!!!!!!!!!!!!! Justin: Bebe!! Kumusta ang breakdance chuva mo? Sana ay nanalo ka po! Nanalo pala ang ADMU sa UAAP game kanina. Ingat po ikaw! =) Luv you! Chuva! hehe..
So yun lang.. Baka next time na lang ulit ako magpopost ng medyo matinong artik! Sa mga ibang people na dumadaan.. Salamat ng marami! Papagandahin ko pa ito lalo! =) hehehe.. Babu!

Thursday, July 29, 2004

Confused... Insane... Sleepy and Disturbed!

Confused... Insane... Sleepy and Disturbed!
 
   I slept at about 2 am, got up at 5:40 and went to school 6:15. My head hurts, my back screams pain, my hands beg to rest and my heart says: "Feed me..." I hate being a professional bum/crammer takes the fun of being a schootudent but I can't help to be like that... I work efficiently when I am under pressure... Dang...! I really need to do something about this.
 
Good thing:
 
   I'm inspired last night, so I almost finished my drawings (thanks to ahem ahem). I am really inlove right now and I don't know when i'll be committing myself to ahem ahem... But I do love him (sorry prince my heart belongs to someone else! hahaha) na ata! Every sign that I asked from God is here! He's single (back off girls he's mine! ahahaha!) , i'm single, he loves me (I hope!) and I do love him so much! I don't know what's holding me back...
 
"True love doesn't have to be ideal, it just have to be real..."
- Advertisement, Now That I Found You -
 
Bad thing:
 
   I'm sleepy and I can't sleep. I still need to study and my brain/body doesn't want to... I need to go outside and be a social animal... I might go to the mall and stroll and window shop. He's on my mind... and I can't get him out! Darn... Commit me to the nearest mental hospital cuz I'm already insane...
 
jretard loves abi jretard loves abi jretard loves abi jretard loves abi jretard loves abi jretard loves abi jretard loves abi jretard loves abi jretard loves abi

Tuesday, July 27, 2004

Count thy blessings!

Count thy BLESSINGS!  

   Papauwi ako sa bahay kanina naisip ko na masuwerte pala ako dahil may mga kaibigan ako. Mapalad pa pala ako kahit paano... Tanga ko para mamrublema sa mga bagay-bagay araw-araw samantalang nasa akin naman pala ang halos lahat na puwedeng hingin. Ang ss ay ang mga karaniwang pinuprublema ko.

   Unang bagay: Pera. Di naman kami mahirap at di pa ako nagtatrabaho, umaasa sa magulang at nag-aaral pa lang. Ewan ko ba kung bakit lagi akong problemado sa bagay na ito. Tipid ako ke tipid ng baon ko samantalang wala naman akong malaking bagay na pinaglalaanan kundi ang pambayad sa celfone ko na di naman umaabot ng isang libo. Mabukod dun... Ala na! Sagot na ng magulang ko ang damit, pagkain, pang-sine... ultimong pang-xerox at pambili ng libro bigay na nila.

   Pangalawang bagay: Akads. Pucha... Alam mo kung ano problema ko? Noong nagsabog ang Diyos ng katamaran sinalo ko na ang 1/3! Uyy grabe di naman lahat... Bakit kaya ako nag-aaral sa isang *ahem* magandang school kundi ako... *ahem* sobrang tamad?! Ewan ko. Dapat di din to pinoproblema eh. Kung maayos ang istilo ko sa pag-aayos ng oras ko, di ito magiging problema! Pucha ng kumontra papatayin ko bukas! Ahehehe

   Pangatlong bagay: Pagmamahal. No need to elaborate. Please see previous artik. (Medyo problema din pala to kasi si *toot* ay aalis na isang buwan mula ngayon) Pero andyan naman sina Jeff  at April(anak ng syoklang tibo! bastusan!) ang mga dakilang super solid classmates/friends ko... Puwede na siguro silang maging pseudo-bf/gf ko! (shet... di pa ako desperado.)

  Pang-apat na bagay: Atensyon. Sobra na nga eh. Sa school: Andiyan ang block 3 lalo na si Marvin (Oi nabanggit kita ulit!!). Pag kasama sila, masasabi mo talagang: Pucha... Di ka puwedeng maging autistic pag kasama mo sila (puwera na lang kung bata ka pa lang e autistic ka na). Sa bahay: Andiyan ang mommy ko, at mga tiyahin, sige isama na ang kuya ko. Kinakausap naman din nila ako... Wahahaha!

   Pang-limang bagay: Social life. Sobra na to. Tuwing Tuesday at Friday lagi akong asa Robinson's. Tuwing Sabado o Linggo asa Festival, ATC o SM. Kung pinalad at walang gagawin sa Thursday asa bahay ako tuwing Wednesday at nanonood ng T.V. Pag mas pinalad pa ako, kasama pa ako sa lakad ng block 3. =)

   Iilan lang to sa totoo lang. Pero sabi nga nung title ng artik ko, Count thy blessings... Dapat nga masayahin akong tao eh. Dapat di na nagrereklamo sa Diyos. Ako nga medyo buo ang pagkatao ko, 'yung iba nga kulang di ba? =) Nyt peeps.. babu!      

   
      

Sunday, July 25, 2004

Bakit kita mahal?

Bakit kita mahal?
Sa saliw ng kantang The Reason by Hoobastank
 
   Kanina tinanong mo ko kung mahal ba talaga kita at kung bakit kita mahal. Di kita nabigyan ng isang makabagbag-damdaming sagot dahil kasalukuyang kumakanta pa ako (nag-feeling singer ako kaya pasensya na). Ano ba sinabi ko? Something like this ata... "Y do I love -ur name-? Hmm.. Ur every girl's desire and even though I saw ur imperfections the happy/kilig feeling in my heart never stops... :)" Jologs ko grabe. Pero ang reply mo: "Ur so sweet! I love u too! Mwah!" U know what? Di pa yun ang lahat ng dapat kong sabihin! (Interrupted.. May pusang pumasok sa gate) Sa limang taon na magkakilala tayo, nanahimik ako at nagmahal ng iba, baka sakaling mawala ang damdamin ko para sa iyo. Aaminin kong minsang nakalimutan kita dahil may mga taong nagpatibok din ng puso ko *sigh* (Asus!)

   Pero bakit nga ba kita mahal? Dahil ba artistahin ang dating mo? Dahil ba puwede mong sundin ang lahat ng luho ko sa buhay dahil mayaman ka? O dahil ba sa lambot ng katawan mo at kaya mong gayahin ang bawat indak ng katawan ni Usher? Ipokrita ako pag sinabi kong hindi ito mga dahilan kung bakit kita mahal (actually sinasamba kita - ahahaha!) Pero di lang pala ito ang sukatan ng pagmamahal ko sa iyo. Mabait ka kasi, kahit pa minsan bigla ka na lang magiging disturbed at aawayin mo ko (aaminin ko inaaway din kita lagi ahehehe!). Lagi kang andiyan, lagi kang nakikinig sa mga kuwento ko kahit corny at jologs. Tatawa ka pag nag-joke joke joke ako... hehe.. Pati nga ata ka-bakyaan ko sa lahat ng bagay sumasakay ka! Maalalahanin ka pa at gentleman... Leche ka nga eh. Lahat na ata ng trip ko sa isang lalaki asa 'yo na. Tangna pati imperfections mo tanggap ko na.

   Obsession ba ito o true love? Anak ng tokwang nilagay sa pasibol na munggo! Maghihintay na lang ako... Di naman ako selfish eh. Kahit malaman kong may bagong babae sa buhay mo ok lang. Sapat na ang makakilala ako ng tulad mo... Ang maging kaibigan ka at maramdaman ko ang kiligin at mahulog sa patibong ng pag-ibig.

   Sa nag-babasa ni2 pagpasensyahan niyo na ko. Sobrang repressed na talaga ang love life ko. Over due na masyado kayo dito ko na nilalabas ang sama ng loob ko... Waaahhhh! Disturbed ako!!!
 
 

   

Saturday, July 24, 2004

Love card....

The Lovers Card
You are the Lovers card. The Lovers card is about
union. Each of us carries in our DNA the
ability to be the opposite of what we think we
are. Often our romantic attachments grow out of
awe and respect as we see in another the
characteristics we repress in ourselves.
Society often presses us into molds of what it
thinks masculinity and femininity should be. As
a result, many of us associate with our gender
certain positive characteristics and call
others negative, when if these same qualities
were held by a person of the opposite sex, our
attitude towards them would be reversed.
Getting in touch with our inner animus and
anima, (Jung's terms for our inner male and
female), allows us to see the whole of our
personalities in a positive and constructive
light. When you draw The Lovers card in a
reading, you are working with balancing these
forces. Depending on where the card is, you
have either achieved balance or need to. The
Lovers could indicate a romantic or even a
platonic relationship. Ask yourself is this is
a positive relationship that contributes to
your growth as a complete human being, or if it
fills an emotional craving within you that is
actually detrimental to your personal growth.
Image from: The Iranian artist Riza.

Which Tarot Card Are You?

Anak ng Tokwang malaki!

Anak ng Tokwang Malaki!
 
   Alas-3:58 na at di pa ko tapos mag-aral sa zoology... Sa mga classmates ko na nagbabasa ng blog ko!! Anak ng Tokwang malaki! Buti pa kayo! Ala lang.

   Oo nga pala.. Senti mode ako ngayon. Di ibig sabihing disturbed ako pero nagsesenti ako. Naguguluhan na ako sa buhay ko!!! Naguguluhan din ako dahil... toootttt! Ahehe... Private na! Ay nako.. Di ko masabi baka mabasa "niya" eh. mahirap na! AMPPPPPP!!! Sige babay na ulet.. Pilitin kong tapusin ang hand-outs ni Sir Go ngayong gabi! Paalammmmmmm!!!!!

Weekend Mania

Weekend Mania
 
   Nice to hear so many people are dropping by at my blog... Sagot ko sa mga sinabi niyo... Marvin: Dude! Anytime! Lagi kang mababanggit sa blog ko! =) Maine: Oi! Pansin ko lagi tayong nagkikita 'pag Tuesday at Friday ng umaga! Keep the stories comin' ha! Justin: Dude ulit! Mukhang di ka na disturbed ah! Pa-sayaw-sayaw ka na lang! That's good... Live life to the fullest! Hehe Sorry din pala last night.. I wasn't thinking clearly kaya naging "iba" ako.. Hehe... 'Yun lang.. Dun sa mga iba na nag-drop by.. Salamat sa inyo! Sa susunod mag-iwan kayo ng mensahe sa aking tag-board.. I would love to hear from you! =)

    Andami kong gagawin ngayong Sabado at Linggo! Isingit ko lang tong pagsusulat kasi mababaliw na ata ako sa kababasa at kakaisip.. Hay! Bumalik na naman ang siglo ng exam e! Grabe... Sana matapos na ang paghihirap ko!! La lang...! Nong oras na ba? alas-12:12 na! Kakain muna ko! Baka next week na ulit ang mga magagandang kuwento dahil andito lang ako sa bahay magmumukmok at mag-aaral... GC!! Ahahaha!! Sige babu! 

Friday, July 23, 2004

Disturbed!

Disturbed!

Eto ang mga bits and pieces ng mga nangyari sa buhay ko so far...

Physics Lecture...

Disturbed ako hanggang ngayon sa loob-loob ko lang... Mukhang mas mababaliw ata ako dahil ibibigay na 'yung exam namin. Makalipas ang ilang minuto... Dumating ang prof. at walang dalang exam. Buti na lang.. Di pa ko handa para sa isa pang problema sa buhay ko... Hay...

Makalipas pa ang ilang minuto... Na-expire na ang aking listening ability... Nakatunganga na ako at lumilipad ang utak ko. Tapos napatingin ako sa katabing silya. Nakita ko ang vandal na ito:

1. Press to dismiss
2. Press to see pretty classmate undressed/naked
3. Press to make professor/ instructor disappear
4. Press for an instant classcard grade of 1.0
5. Press to hear seatmate fart
6. Press for instant serving(s) of food and drinks
7. Press for instant whoop-ass fun
8. Press to enjoy the best orgasm
9. Press to make out with ur pretty classmate
10. Press so that youe pretty classmate will give you a blowjob
11. Press to be naked

I've seen everything... Hahaha! Makalipas pa ang ilang oras lumabas na kami... Biostat naman... Ay buhay... Sana di pa din bigay ung exam dun...

Biostat... Sa GAB first floor...

Bangag na ako sobra... Ang attention span ko ay naubos na ng tuluyan dahil katabi ko ang pinakabalahurang tao sa block namin... Sino pa eh di si Marvin. Puchang kakulitan nung taong 'yon... Pati si Scooby-Doo na keychain ni Abi (di ako yun) eh minamanyak. Sinasabi pa sa kin na subukan ko daw na makipagpalit sa kanya ng personalidad. Wag na lang... Haha

Ngayon...

Disturbed pa din ako. 5 minutes na lang at mauubos na ang oras ko dito sa LRC... Malamang disturbed pa din ako hanggang mamyang gabi. Kasalanan to ng isang tao kagabi eh. Puchang buhay to... Mamaya na lang ulit! Babu!

Thursday, July 22, 2004

Crushness

Crushness
 
   Daan lang ako just to say April: Pucha tama na ang pagiging disturbed... Hayaan mo na sila sa buhay nila. Maganda ka pare wag mong sayangin ang pagmamahal at oras mo sa kakaisip sa kanila. Maine: Miss na din kita... Di kasi tayo classmates eh. Di bale sa summer, mag-aadvance ulit ako para magkasama tayo. Nax! Justin: Dude... Kahit di ka nagrereply sa text ko, masasabi ko lang... Pull yourself together, guwapo ka, mayaman at matalino, madami ka pang mahahanap diyan. Pagdating ng araw tatawanan mo lang yan.

   Oo nga pala nakasabay ko sa bus ang crushness ko... Yikee.. Ang masama lang... Parehas kami ng damit (Medyo lang siyempre kasi di naman babae 'yung crush ko no.), yung kulay lang no! 2wice ko na siya nakakasabay sa bus. La sallite pala siya... Ahihihi... Magpantasya daw ba? Hehe.. sige dami pa kong gagawin eh! Babu ulit!!!! =)  

Wednesday, July 21, 2004

Wednesday dilemma

WEDNESDAY DILEMMA

     I don't know if I'm gonna be happy cuz it's raining and I have no classes or I will be sad because cuz it's raining and I HAVE NO FRIGGIN' CLASSES... Isipin niyo na lang.. umuulan + kama = sleep and sleep = low productivity of abi.

      Senti pala ako ngayong araw na ito. Ito ang mga bagay na na-realize ko kaninang umaga habang umaambon sa labas:

1. Dumadami na ang jologs sa mundo. --> Kagabi kasi sa loob ng bus may sumabay sa commercial ng Surf. Kung ikaw ay nalulungkot... Nalulumbay.... Nabubugnot sa mga... Whatever!!! Ang lakas pa ng boses niya ah! As in! Winasak niya ang katahimikan ng bus sa pamamagitan ng isang kagimbal-gimbal na rendition ng commercial ng Surf.

2. Ang buhay ng tao ay isang siglo. --> May araw na masaya, may araw na neutral at may araw na malungkot at maraming problema. Papalit-palit lang iyon depende sa kagustuhan mo. Nasa sa iyo kung gaano magtatagal ang isang bahagi ng siglo ng buhay mo.

3. Maganda ang programang Strangebrew  ni Tado at Angel Rivero. --> Na-autistic ako kagabi at napagpasyahang manood ng Strangebrew. Sabi ko nga sa sarili ko: "Wala namang mawawala eh kung manood ako." Pucha. Halos mamatay ako sa kakatawa sa mga walang kakuwenta-kuwentang tanong at pambabara ni Tado sa mga tao sa Pag-Asa. Weirdo ang show na iyon, pero may iilang bagay ka ding matutunan. Ok na dibersyon para sa mga taong depressed at may sense of humor ang palabas na ito.

4. Di ako Diyos --> Disclosed ang dahilan kung bakit sinabi ko ito. Basta ang alam ko may hangganan din pala ako. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kakayanin kong magpaka-martyr at maging mabait.

5. Gusto ko pa ring mag-duktor --> Dahil wala ng kapupuntahan ang buhay ko, mag-aaral na lang ulit ako. Wala naman akong boypren at malamang wala ding mapapangasawa kaya uubusin ko ang oras ko sa pag-aaral ng medisina dalawang taon mula ngayon. Pero sa mga nagbabalak na manligaw sa kin.. Pucha bilisan niyo na. Ahahahaha....! <> Ahem...

6. Masuwerte ako. --> Kahit pa madami akong problema, masuwerte pa din pala ako. Meron akong mapagmahal na magulang.. Achoos! At makukulit este mababait na mga kaibigan. Ay oo nga pala. Hapi bertdey dadi! Salamat sa bag! Aheheheh...

   O xia xia... Sa susunod na araw na 'yung iba. Mag-dodrowing pa ko sa sketch pad ko. Madami pa akong gagawin eh! Paalam!

 

Sunday, July 18, 2004

Lakas ng ulan

Lakas ng ulan
 
    Habang tinatayp ko tong entry eh bumabagyo ng sobra sa amin. Grabe. As in halos matangay ang bubong ng kapitbahay namin. Di ko alam... Feeling ko di sang-ayon ang panahon sa mga pinag-gagawa ko ngayon eh. Malamang senyales na din ito ng Diyos na iiyak na naman ako. Tungkol na naman siguro sa non-existent na lablyf to o sa walang kamatayang pag-aaral ko. Kaya nga buong maghapon iniwasan kong mag-isip. Nakahiga lang ako, kumain, nanligo nung hapon at nanood ng t.v. Di ako tinatamad... Ayoko lang mag-isip. Gusto kong maging apathetic kaya siguro ganito ang panahon. Di ata bagay sa kin ang maging ganito eh. Sige na ang lakas na ng kulog at kidlat. Magtitino muna ako bago pa may masaktan. Ahihihi

Friday, July 16, 2004

Buhay estudyante

BUHAY ESDTUDYANTE 
 
       Nakakatawang nakakainis ang nangyari sa akin kanina habang pauwi ako. Nakakainis kasi malakas ang ulan tapos wala akong payong. Ok naman kasi nipapahiram ako ni eypreel ng payong. Kaso si juicy ezrah nakisukob... O di ba 2 kami sa maliit na payong. Pucha nakakatawa dahil mukha kaming mag-jowa. Nakahawak siya sa kamay ko at naka-akbay pa. Muahahaha...! So iyon, nakasakay naman kami ng jeep. Amp naman kasi 'yung bakaw na drayber, aba ng sabi dalawa pa daw ang wala pagsakay namin isa na lang. Siyempre si ezrah na ang umokopa ng isa. Ako? Aion... Kalhati este 1/3 ng puwet ang nakaabot sa silya.  Nanakit nga ang hita ko dahil sa kakapigil. Mas nakakahiya naman ata ang mahulog ka sa sahig tapos titingin sa yo lahat ng tao. Aion ulit. Pero nakaupo naman ako ng mabuti dahil may bumababa sa may pedro gil. Hay suwerte.  Ito pa isang nakakatawang nangyari. May 3 babae na nung may pinatugtog tungkol sa family planning aba bumira ng tawa. Pucha.. Kakatakot! Ito namang katabi kong boylaloo eh habang pokus na pokus sa tinetext niya eh nakikita kong kumakanta din. Lintek. Puro bangag na ata ang sakay ng dyip na yon. Ahehehe... Marami pang nangyari bago ako bumababa sa may buendia para sumakay ng bus pero bukas ko na kukuwento... Mag-aaral pa ako dahil may eksam na naman ako bukas eh. Xencia na mga fans ko! =)

Thursday, July 15, 2004

Mom's Birthday

MOM'S BIRTHDAY

      Feel so bitchy to day kaya inaway ko friend ko. Naiwan ko kasi ung ESF ko sa bahay tapos aion bad news sa grades ko sa botany. Birthday ng mum ko ngayon sooo..... I'm trying to look nice and happy and everything. I bought her an audio cd at card sa rub pleys. ay buhay. Andito na nanay ko! Bukas na lang ulit mga pans! ehehe! Babu!

Wednesday, July 14, 2004

Hmmm ulit....

HMMM.... ULIT

      Daan lang para magtanong... Bakit ang mga loveless lapitin ng mga nag-PPDA? Ahehe... Siguro dahil mas napapansin mo lang dahil sawi ka eh. hay... Dami ko ginagawa lately! 12 or 1 am na nga ako lagi natutulog eh. grabe. kakatamad! =)sarap matulog ng sobra.. hayyy..... sige po.. baka mas mahaba na post ko sa weekedns.. baboo!

Sunday, July 11, 2004

Hmmm...

HMM....

      Bahala na xia sa buhay niya. Kung sa tingin niya maniniwala pa ako sa kanya bahala na xia. Magulo utak niya sobra, pumunta na nga lang siya sa california, punyeta kahit mag-asawa na siya doon ala na kong pakialam. Pagod na akong umasa. Hanggang pagiging kaibigan lang naman ako eh. Ala na 'tong kapupuntahan eh. Sige alis na ko!

Saturday, July 10, 2004

WOW Dick!

WOW Dick..!

      Hay buhay... Kakaantok na sobra. Galing kami ng mommy ko, auntie ko at lola ko sa wow philippines para maging uzi sa mga palabas doon. Grabe may exam kami sa botany at biostat tapos sumama pa ako. Nakakagalitan kasi ako ng mommy ko dahil puro aral na lang daw ako. Leche. Sana nga malaman niyo na puro ako gala nung isang linggo. Pero sige. Kesa naman maaway na naman ako.

      So ayun nagpunta na nga kami doon. Nagliwaliw ng konti tapos nanood ng mga kumakanta doon. May kundiman na grabeng bumirit ung lola! Pero di bagay sa akin ung ganoon dahil pucha punk ang get-up ko tapos maluluha ako sa mga kundiman! Kakabaliw yun ah. So ayun... Iniwan namin ung tita at lola ko doon tapos naglibot na naman kami. Astig na sana ng lay-out nung wow philippines na 'yun eh kaso kakahilo tapos konti ung stores nakatago pa. Pero nonetheless... Ok na din kesa naman maging squatter's area 'yun. Magaling din naman 'yung mga kumakanta eh. Pucha gaya nga nila ung beatles eh. grabe. Kung puwede pang magtagal gusto ko silang panoorin forever. sa kanila ako na-elibs e. grabe. hayop ung drummer.. actually lahat sila kaka-elibs! kaya sa mga nagbabasa nito.. punta kayo doon! ganda.. sulit naman e

SLOTH

SLOTH

You are Sloth!

Lazy huh ?? You're a bit slow in getting going -
and tend not to do anything unless it is
absolutely necessary. You'd rather sit around,
watch TV/Sleep then go out and about with
friends, or take part in a sporting event. On
the positive side, you tend to be quite smart,
as you spend a lot of time watching the News
(!!) or on the computer, Also by conserving
your energy, it's right there waiting for you
when it's vitally important to get going.
Consider possibly moving out of the room once in a
while - and perhaps once a week trade watching
TV for half an hour with a walk - and you'll be
back on track.
However, Congratulations on being the most
intelligent of the 7 deadly sins...


?? Which Of The Seven Deadly Sins Are You ??
brought to you by Quizilla

I'm a ssloootthhh??? No!!!! Oops.. I'm intelligent so it's ok

Friday, July 09, 2004

Gimik Day

GIMIK DAY

      I just got home from school or should I say from Robinson's Mall. Hehe! Earlier this morning I was having a dilemma of whether I should go to school or not. Cuz it’s like this... My class schedule for this day is this: 8:30-10 am - Physcis 52; 10 - 11:30 am - Bio 180; 11:30 - 4 - Long long long long Break; 4 - 7 - Zoo 111. Oh cramity! I have no class in Physics so buhbye 8:30-10 class (but I know that already last week) and now the dilemma arises when I knew that Prof. Bato won’t have classes on the other section after us. They were telling us that the reason why they’re not going to have classes is because they’re ahead of us! This is not so true because we had the same thing last class. A damn quiz about probability! Crammity!! Well my goody good/nerdy ego told me to go to school despite the fact that my body is not agreeing with it! Haha... So I got up 8 am and quickly took a bath. I left at 9 am and went to school just to know that we have no classes for biostat... badtrip! I had to spend the whole day doin’ nothing... Uhh instead of staying at home uhmmm doin’ nothing also… Hey there’s a big difference there!!!!! Hehehehe… But the day turned out fine cuz I got to spend with my friends! Shopping and stuff!!!!! Wohoooooooooooo... I bought one black shirt... I dunno why. Impulse buy I guess!! The rest of our escapade will not published here cuz it would take me the whole day to tell yu the wholl stort! hehehe I might be going out again tomorrow or be just inside mah room and study! I got three (3!!) damn fuckin departmental exams!! Crap… It just means hat buhbye bed and hello coffee-maker once more! Oh God… Not the ‘s’ thing! There I said it... Night! zzzZZZZZ

The author of this blog has a sleeping disorder… I’m a bot just finishing her sentences... Ahihihi

Prince and Me

PRINCE AND ME

      I just woke up actually.. I'm gonna make a mini review of thw film i wathced yesterday. The theme kinda hit me (but not exactly the thought of having a princein my life). I'm a pre-med student like Julia in the movie. Typical pre-med student if u ask me... Focused, Irritated and hates commitment. Haha must be true for like most pre-med peeps I know. Of course, the univetibale will always come your way. In the story, it's the prince who came into her life. In my life, the was once a guy who tried to get me out of my system. The most heart-warming scene was when Julia or Paige Morgan was making this speech to her professors about Othello and when she told her dormmate that "she doesn't want to spend her life wondering what will happen if she told the guy that she loves him too." Cool.. Unlike me.. I didn't give up to "his" will of committing myself to him. And now he's gone. But I'm still happy with the decision that I made. This might not be the right time for us to be together... (We're friends by the way.) Or I may not be the right one for him.. Nut I don't care... i'm happy bein with him as a friend.

Thursday, July 08, 2004

Thanks!

THANKS!

      To those who read my blog thanks! =) Finished my zoology exams so I went to see a "feel-good" muvie entitled "prince and me." Haha.. How can a feeling so good it hurts after? Hehehehe.. Tomorrow I dunno if I have a class in Biostat, if I don't have a class then i'll be waiting for 5 hours for mah next class (i think). I'm soo looking forward tomorrow! We're (me and my friends)gonna go to star city and play paintball!! Cool huh??!! I guess it's sort-off a "reward" for us guys after having a tough week.. Anyway.. I'm bringing my cam tomorrow so please do visit our photoblog once I finished the lay-out.. hihi... Eniweyz am so tired right now. I'm so sleepy! No wonder cuz I didn't get enough sleep for almost 3 days (i think).

Things I learned to-(die):

1. The story of the "prince and me" will never happen to me.
2. There's is still hope for me to get married (i don't know why)
3. Never make a deal about not getting married within 10 years (Gawd!The bet will cost me 10 thousand smackeroos if i ever get married!)
4. It's not so sad bein' alone (cuz I ain't!)
5. 3 dyas without sleep cud affect the way u think (bye styro-cutter! hello hair clip!)

Hehe... I'm gonna sleep na.. So tireddddddd..... Gawd......

Wednesday, July 07, 2004

My styro-cutter

Beautiful day! I got one exam left tomorrow! Yipee! Can't wait for friday to come.. Roadtrip kami ng tropa sakay ng kotse ni april! Sana malayo puntahan namin!! Ahihi... And i'm looking forward to red-horse "muziklaban!!" shet... dami ko gimmicks this week!! Shet sana matuloy lahat! Oo nga pala.. I met this kewl guy (brod ni marvs sa Pi Sigma) si Ninoy (Dunno if this is his real name..) nong Tuesday. Ei I don't like him ah! kakatawa lang kasi kala ko long-lost blockmate namin xia.. Ahihihi... Bukas na lang ulet pagkatapos ng exam ko...

Things to do before I sleep:

1. Pray to God
2. Drink milk (yum yum)
3. Sing out loud Burn!! Ahihihihi (my favorite song is actually a break-up song! wud u believe eh ala akong bf since uhmmm..... 2 years ago!)
4. Use the bathroom (ahihihihi)
5. Think about my nasty deeds this day (ahihihi.. bitch talaga ako!)

Tama na baka 5 o clock naman ako matulog! Ahihihi.. I'm starting a photoblog maybe this weekend. I'm gonna bring my c(u)(a)m tomorrow or friday! Ahihihihihi!! See yah guyz later! I'm out! Gotta read mah lecture notes!

Tuesday, July 06, 2004

Whoosh!

WHOOSH!

      it's 11:19 pm in my clock and i'm not yet sleepy.must be the coffee i just dranks.. anyway i just need to finish 7 templates and i'm dine drawing baby! I'm gonna review for mah exam tomorrow. It's so comprehensive that I need to read 2 references! haha.. no more sanity for me this week! oh well.. i might as well go watch "mean girls" this friday or... wander off again in the streets of taft and probably buy something for my mom (mami happy bertdey sa july 15! >>got exam in physics sa 17 kaya di ako kasama sa lakad naten!!)... or sleep my whole break wherever i want (di lang sa kalye -- masyadong mahalay!!!). hmmnnn ano pa ba? Just wanna say na ang saya ko ngayon.. bakit? di ko alam! haha! I guess tama na ang pagiging malungkot! bakit pa? yung taong iniiyakan ko ba eh malungkot din? for all i know baka humahalakhak din yun. y burden or worry urself? live life to the fullest ika nga nila! pucha ako? pano kaya yun... 2 departmental? I got to be a bionic woman to accomplish all duties and have fun. Leche. Pagod na ko. After 2 cups of coffee.. I need to rest na ba? di pa!!!! babayu!

Burn

BURN

      5 times ko na ata pinatutugtog 'yung Burn ni Usher. Binasa ko ang meaning niya sa net. Sobrang sakit pala ng meaning nun.. Pero.. Ako? I'm trying to move on. Teka nga.... Bakit ako mag-momove-on?? Leche!!!!!!!!!! Di naman naging kami!!!!! Wahahahaha! (abi <-- bangag) So much for that.. Dami kong ginagawa! Sobra buti nga nakakahinga pa ako ngayon dahil 3 quizzes ako everyday 2 departmental exam sa isang linggo. May drawing pad pa akong due bukas. Leche. Good gracious!! Sana buhay pa ako sa Biyernes.

      O xia next week na ulit dami ko niaasikaso ngayong linggo eh!!! No time for love and games ako ngayon! Hahahahaha!!


Sunday, July 04, 2004

Metal

METAL
Song in WMA: Kaliwete

Aga kong nagising ngayong araw na 'to. Kakaantok sobra.. Kelangan ko kasing magsimba ng maaga eh.. Badtrip talaga.

alas-sais ng umaga

Nakatanaw na ako sa labas ng gate namin. Nakahawak sa rehas, feeling ko nakakulong ako sa nakaraan. Nakakatakot ang lamig, tingin ko kasi hindi na ako makaalis sa nakaraan. Hanggang ngayon kasi nasasaktan pa din ako sa nangyari sa 'ming dalawa. Paano kahit kaibigan ayaw na niyang tanggapin. Ni hindi man lang sinabi kung bakit, basta umalis. Ako dapat ang gagawa noon eh. Naunahan niya ako. Hindi ko kasi kaagad nagawa dahil di ko kaya. Ngayon ko lang naramdaman 'yung sakit at pagsisisi. Tanga ako sobra. Gusto ko ng i-untog ang ulo ko sa pader para magkaroon ako ng amnesia. 'Yung selective... Yung siya lang ang makakalimutan ko sa buhay ko. Yung kapag tinext na niya ako masasabi ko ng di kita kilala eh. Badtrip talaga. Bitter ako.. At kung binabasa mo to Justin pucha di ako smart.. Kung smart ako di sana ako nagpakatanga sa 'yo.

alas-sais singko

Binuksan na ng mommy ko ang pinto. Malaya na ako. Malaya na sa mga kasinungalingang sinabi mo. Na mahal mo ako.. Na balang araw magiging magkasama na tayo. Naisip ko na lang.. "Ito ang simula ng isang panibagong araw para sa akin..."

Friday, July 02, 2004

Spiderman..

SPIDERMAN
Song in WMA: Follow You Down

      nanood kami kaninang tanghali ng spiderman 2. maganda siya sobra, first time kong nasabi na sulit ang pera ko sa panonood ng sine. iba kasi ang plot niya keysa doon sa unang part. mas maganda ang special effects pati ang plot! tingin ko nga mas maganda ang storya ni doc ock kesa kay green goblin... 99% hot gas lang kasi ung taong un eh, panay revenge at galit ang meron sa katawan. 'yung kay doc ock kasi may drama kung bakit siya naging masama.

over-all rating sa pelikula: A+.

      aion eto na ko sa bahay. ang lamig sa bus.. ang daldal ng mga teenagers na asa harap ko. feeling ko ganun ako ng 1st year ako eh. full of spirit and life.. ngayon.. puro problema. puro requirements. toxic na ko. pagod lagi at laging puyat. sa tabi ko naman eh mag-boypren na pawang mga guro sa elementary na sweet na sweet. feeling ko ung mga teenager ang "past" ko ako ang "present" at ung katabi ko ang "future" ko. feeling ko nga ang bilis bilis ng panahon. kakalungkot kasi baka paggising ko.. matanda na ako. malungkot at miserable. siguro yun ang magiging misyon ko.. ang pasayahin ang buhay ko at ang ibang tao.. pero ngayon. aayusin ko muna buhay ko. kakalimutan ko ang dapat kalimutan at matutunang mahalin ang sarili.

Thursday, July 01, 2004

My name acronym

MY NAME ACRONYM

AAmbitious
BBashful
IInnocent

Name / Username:


Name Acronym Generator
From Go-Quiz.com

To be or not to be

TO BE OR NOT TO BE
Song in WMA: Everywhere

      Bubuksan ko ba fone ko? Wag na... Maririnig ko na naman ang mga walang kwentang paliwanag eh. Tama na ang pagiging tanga ko ng matagal na panahon. Tama na ang minahal ko siya at nasaktan ako. Wala na akong mali sa pagkakataong 'to. Lalayo ako... 'Di magpapakita at magpaparamdam. Ginusto na rin siguro ito ng Diyos. Hahayaan ko ng maging ganito na lang kami. Masakit man pero ala na e. May girlfirend na siya. Siguro ako din dapat mag-move on na. Tama na siguro ang sampung beses (sa pagkakaalala ko) na pagmamakaawang huwag siyang umalis. Nagsawa na rin siguro siya ayaw lang aminin.

      Ganito naman talaga ang buhay eh. Hindi sa lahat ng pagkakataon suwerte ka. Hindi sa lahat ng pagkakataon masaya. Kailangan mo ding malungkot. Paano mo masasabing tao ka kung puro saya lang ang buhay mo. Hindi lang siguro siya ang para sa akin. Maaring may iba pa o maaring wala na. Bahala na. Sa pag-aaral ko na lang bubuhos ang lahat ng oras ko. Ay oo syempre pati dito sa "blog" ko. Di naman niya alam na may "ganito" ako eh. Pagdadasal ko na lang ang kaluluwa niya at.. ang "intsik behong gf niya." Martyr ako.. Pero napapagod din ako. Di naman ako Diyos eh..